Wednesday, September 13, 2023

Bruno


Bruno

by Andy Oreta (9/12/2023)

  • Disiplinado sa kulungan, Sobrang bibo naman kapag pinakawalan
  • Matalas ang pandinig, Alisto kapag may bantang nararamdaman
  • Paikot-ikot sa kulungan, Kapag oras na ng kainan
  • Kagat ang “rubber ducky,” Gigil na gigil sa pagtakbo’t puno ng kasiglaan
  • Matikas, malikot at maliksi, Bruno ang kaniyang pangalan


NOTE: Si Bruno ay isang mini pinscher na kapatid ni Luna (Sept 2016 +) at Pepper ( Jan 2017 +)

Monday, September 11, 2023

Oreo - ikaw ay kaakit-akit

 









Oreo

by Andy Oreta (9/12/2023)


Oreo, Bunga ng bawal na pag-ibig

Mula kay Seria at Hachiko nagsanib na magkapatid

Oreo, Ang asong kulang ng tulis at bangis

Ganoon pa man, Nakakaaliw ka naman gid

Tuwing umaagos ang tubig, Ikaw ay nag-iinit

Paikot-ikot sa tubig, Para mong winawalis

Oreo, Hindi ka man wais, Ikaw naman ay kaakit-akit




Sunday, September 10, 2023

Seria - Ang aming mahal na alaga

 


Seria

by Andy Oreta (9/11/2023)

“Seria” ang binyag sa iyo ni Julia

Bantay ng bahay, Sa garahe nag-iisa

Mga higanteng daga, Madalas mong mabiktima

Mga pusang kalye, Iyong mga kabaka

Sa maingay na paputok, Ikaw ay nababalisa

Matingkad mong tahol, Maasahan kapag may sakuna

Kung lambing ay gusto, Biglang titihaya

Kaunting himas lang sa tiyan, Ikaw ay masayang-masaya

Seria, Ang aming bantay, Ang mahal naming alaga











PUSA - Isang tula

 

Pusa
by Andy Oreta (9/10/2023)

Noong kuting ka, Ang kyut kyut mo talaga

Tinawag kang “Nene,” Akala namin babae ka

Paglaki mo, Mali kami, Lalakeng pusa ka pala

Kaya “Nunu,” Ang naging tawag na sa iyo, Pusa

 

Sa umaga, nakatambay ka, malayo ang tingin sa may bintana

Sa hapon, Nakahiga sa mesa, Nakatihaya pa

Sa gabi habang may K-Drama, Nakikinood ka

Katabing nakikisalo at may chips na pabirito pa!

 

Sa maliit na kahon o butas, Sumisiksik ka

Ano bang mayroon sa kahon at komportable ka?

Sa mesang kainan, doon madalas kang nagpapahinga

Katabi mo ang mga pagkain na naka-ahin sa mesa

 

Sa looban ng bahay madalas nakabantay ka

Akala namin, Daga ang iyong pinupuntirya

Hindi pala, Gusto mo lang makihiga sa malambot na kama

Ay Pusa!, Di ka lang bida, Ikaw pala ang boss sa pamilya!










Oscar - Isang Tula para sa Isang Bida!


OSCAR 

by Andy Oreta (9/9/2023)

Paglabas ko sa kuwarto naka-abang ka na

Wagayway ng buntot kaliwa’t kanan pa

Pag-upo ko sa mesa, Nakanganga ka na

Naghihintay ng almusal, Yung masarap na tira

 

Habang nagpapahinga at nanonood ng K-drama

Ikaw ay nakahiga paikot-ikot sa aking mga paa

Madalas nagpapansin para maglaro at magsaya

Ay Oscar, Sa loob ng bahay, Ikaw ay bida









Friday, September 1, 2023

Myeong Ryun Jinsa Galbi - Good Food! Reasonable Price!

 


We love Korea - KDrama and Korean dishes like kimchi, bulgogi, ramyeon, Gimbap, Samgyeopsal, Tofu Jigae and more. So for lunch my wife and I decided to try Myeong Ryun Jinsa Galbi at SM North Annex which is a new discovery for us. Myeong Ryun is a new resto at the 1st floor of SM North Annex. We ordered their Korean Lunch Box - one pork and one beef set. Surprise, surprise at P199.00 each only! Their lunch box (Bento style) is served with the main dish (pork or beef) with egg on rice, kimchi, potato and other side dishes. To complement the lunch box, we ordered their Kimchi Tofu Jigae at P180. The food is really good - their meat is well marinated - and their veggie side dishes are fresh and crispy. The Kimchi Jigae is spicy - the way I like it and I usually dip my rice on it. Wow! Our lunch was really satisfying. Next time, we will bring our big kids here!

Hoy Trapik!

 




Hoy Trapik!

Andy Oreta (08/29/2023)

Maaga aalis, Makaiwas trapik sana

Palabas pa lang ng bahay, may abala na

Kotse ng kapitbahay, Bakit naka-park sa tapat pa

Hoy trapik, Isa kang problema!

 

Biyahe sa kalye, Kotse’t trak nakapila

PUJ sa tapat, Sa bagal ng takbo ay isang aberya

Kaliwa’t kanan, Motorsiklo biglang haharurot pa

Hoy trapik, Nakakainis ka na!

 

Pagdating sa interseksyon, May ilaw trapiko na

Berde, dilaw at pula - Mga kulay na giya sana

Pero pag kulay berde, ang trato ni pulis ay pula

Hoy pulis trapiko, Litong lito ka ba?

 

Sa wakas malapit at makakarating na

Usok, init at pawis – aking naging parusa

Hoy trapik, Oras ko ay sinayang mo na

Mag LRT na lang ako, Makakaupo’t makaka-idlip pa!


NOTE: Ang tulang ito ay nabuo sa isipan ko habang nagmamaneho ng dalawang oras mula sa aking tahanan sa Quezon City papuntang Marco Polo Hotel sa may Ortigas Ave. Dati kulang lang 30 minuto ang biyahe.