Friday, December 1, 2023

PRINCESS - PAALAM

 Princess

by Andy Oreta (12/01/2023)

Princess, Isa ka sa limang tuta ni Zoey

Princess ka nga, Sa kulay pa lang ikaw ay na-iiba

Sa bakuran, masungit ka, feeling princess talaga

Di makapalag si Oreo, Di ka maagawan ng tinapay na tira

Ganoon pa man, buddy buddy kayong dalawa

Nang pumanaw si Oreo, Sadya kang nalungkot at nabigla

Sa sulok ng iyong kulungan humihiyaw ka’t nagmukmuk pa

Tunay mo ngang mahal si Oreo, At dali dali ka ring lumisan

O Princess, Dito sa lupa at pati na sa langit prinsesa ka talaga